Advertisers

Advertisers

Todo pasalamat kay Duterte…ROBIN NASORPRESA SA RANKING SA SURVEY!

0 514

Advertisers

ANG senatorial aspirant na si Robin Padilla nitong Martes ay nagpasalamat kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsama sa kanya sa administration senatorial slate at binigyang-pagkilala ang chief executive para sa kanyang “surprising” performance sa isang latest survey na nagpapakita na ang aktor ay nasa top 12 ng mga tumatakbong kandidato sa pagka-senador sa May 2022 polls.

Ang survey, na isinagawa ng SWS noong Oktubre pagkatapos ng paghahain ng kandidatura, ay nagpapakita na 29% ng mga tinanong ay boboto kay Padilla kung gaganapin ang halalan sa araw na iyon. Si Padilla ay ika-sampu sa pinakamataas na senatorial candidates.

“Nagpapasalamat ako kay Pangulong Duterte at sa ating mga kababayan para sa kanilang tiwala at suporta. Gagawin ko ang lahat para ipakitang deserving ako maging kinatawan ng ating mga kababayan sa Senado,” pahayag ng PDP-Laban senatorial candidate.



Iniugnay ni Padilla ang pagkakasama niya sa katatapos na survey sa suporta at kasikatan ng Pangulo, na makakatapos sa kanyang termino bilang most popular president sa kasaysayan ng ating bansa.

“Nakikita naman sa survey na aprub na aprub ang mga kababayan natin sa trabaho ni Presidente. Kaya bagama’t nagulat ako sa ranking ko sa survey, di ako nagugulat na karamihan sa amin sa Magic 12 ay kilalang mga supporter ni Tatay Digong,” paliwanag ni Padilla.
Sinabi ng aktor na gaya ng Pangulo, patuloy niyang ipaglalaban ang karapatan ng mga Pilipino, lalo na ang overseas Filipino workers na inaabuso ng kanilang employers.

Matatandaang pinagbawalan ni Duterte noong Pebrero 2018 na i-deploy ang mga manggagawa sa Kuwait matapos madiskubre ang bangkay ng domestic helper na si Joanna Demafelis sa isang freezer sa bahay ng kanyang amo. Tinanggal lamang ang deployment ban noong Mayo ng taong iyon matapos lagdaan ng gobyerno ang isang memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng Kuwait na magbibigay ng karagdagang proteksyon para sa mga OFWs sa Gulf state.

“Dahil dito, nabigyan ng dagdag na proteksyon ang ating mga kababayan sa ibang bansa. Kaya idol ko si Presidente––yan ang tunay na resbak. Yan din maaasahan ng ating mga kababayan sa akin––ako magiging resbak nila sa Senado!”

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">