Advertisers

Advertisers

2 pulis sangkot sa carnapping

0 488

Advertisers

URBIZTONDO, Pangasinan– Natukoy ng awtoridad ang ilang tao na may kinalaman sa carnapping incident at kabilang rito ang dalawang miyembro ng pulisya.

Ayon kay Police Major Napoleon Eleccion Jr., hepe ng Urbiztondo Police, nagkaroon sila ng lead sa tulong ng Land Transportation LTO at Highway Patrol Group para matukoy ang mga scarnapper.

Pansamantalang hindi pinangalanan ang mga ito habang nagsasagawa ng follow up operations ang mga law enforcement unit sa iba pang sangkot.



Nauna rito, iniulat ng PNP Urbiztondo ang panunugod ng 10 armadong lalaki na nakasuot ng bonnet sa tahanan ni Jerson Cedeno, 35, negosyante, sa Barangay Bayaoas noong October 31.

Iginapos ang biktima at tinangay ang kaniyang sasakyan na Foton Van at Kawasaki Ninja motorcycle na mahigit sa P1 milyon ang kabuoang halaga.

Sa tulong ng CCTV ng ilang residente ay natukoy ang pagkakilanlan ng mga carnapper at nasundan ang kanilang hide out sa Barangay Palaming, San Carlos City at sa Barangay Macabito, Calasiao, Pangasinan.

Nang ikasa ang magkakasunod na araw na follow operations nitong Nobyembre, nadatnan ang 2 caretakers sa magkahiwalay na lugar.

Ang isang naabutan sa Macabito, Calasiao ay positibong tinukoy ng testigo na kasama sa nagkarnap noong October 31 at doon din natagpuan ang kinarnap na motorcycle.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">