Advertisers

Advertisers

PAGKAIN, GAMOT, TRABAHO UUNAHIN NAMIN NI DOC WILLIE SA 2O22: YORME ISKO

0 346

Advertisers

MABILIS na implementasyon sa pagbawas sa gastos sa produksiyon ng pagkain ang isa sa uunahing kilos ng gobyernong Isko Moreno at Doc Willie Ong.

Pagseguro sa suplay ng pagkain na mabibili sa murang presyo at programa sa modernong sakahan at pangisdaan ay kabilang sa mga unang programang gagawin ng magkatiket sa halalan sa panguluhan sa Mayo 2022.

“Numero unong banta sa seguridad ng bansa ay kakapusan ng pagkain, “sabi ni Manila Mayor Francisko ‘Isko Moreno’ Domagoso, kandidatong pangulo ng Aksyon Demokratiko sa kausap na mga manggagawa at magsasaka sa Mimaropa Regional Office nang bumisita sa Agricultural Training Institute sa bayan ng Naujan sa Mindoro Oriental.



“Ironic,” sabi pa ni Yorme Isko na kayang-kayang magprodyus ng masaganang ani sa bukid at pangisdaan, umaasa at umaangkat ang bansa para sa pagkain ng pamilyang Pilipino.

Dapat na iseguro ng susunod na gobyerno ang pagtiyak sa seguridad sa pagkain, sabi ni Yorme Isko, at ipinangako na agad niyang ilulunsad ang programang “Buhay at Kalusugan” kung mananalo sa Mayo 2022.

Upang makatipid sa gastos sa paglikha ng pagkain, tulad ng bigas at maitaas ang kinikita ng mga magsasaka at mangingisda, iuutos niya, sabi ni Isko ang 50% kaltas sa buwis sa langis at elektrisidad.

Malaking gastusin sa agrikultura at pangisdaan ang mataas na presyo ng produktong langis at koryente, bukod ang mahal na presyo ng pataba, pestesidyo at iba pang gastusin upang mapasagana ang ani sa sakahan at palaisdaan.

Paliwanag ni Moreno, malulugi ang gobyerno ng P130 bilyon kapag kinaltas ang buwis sa petrolyo at koryente, pero malaking pakinabang ito sa taumbayan.



“Malaking tipid ito sa tao, … ang bayan, ang karaniwang mamamayan ang panalo. Malaking ginhawa ito kay nanay, kay tatay, sa mga negosyante, sa mga magsasaka, at sa loob ng dalawa o tatlong taon, ang inyong income ay tataas. Ang maliliit ay makikinabang. Talo nga ang gobyerno, pero ang taumbayan ang panalo,” sabi ni Yorme Isko.

Inulit niya ang planong magtayo ng Department of Fisheries and Aquatic Resources (DFAR) na tututok sa masaganang produksiyong pagkain mula sa karagatan at palaisdaan.

Ang bagong kagawaran ay lilikhain mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Rersources na nakakabit na ahensiya ng Department of Agriculture (DA).

“‘Yang mga experto sa fisheries doon sila sa DFAR, yung magagaling sa agriculture, doon sila sa DA para makagawa sila ng sariling plano na maseguro na magkakaroon tayo ng food security,”sabi ni Yorme Isko.

Malaking tulong sa pagseguro sa pagkain ay ang pagtatayo ng ‘post-harvest facilities’ at maraming cold-storage facilities sa lahat ng lalawigan.

Sa gayon, ang sobra sa masaganang ani sa bukid at pangisdaan ay mapananatiling sariwa at maiiwasang masira at mabulok.

“Kung mame-maintain ang quality ng surplus produce, maibebenta uli at dagdag na income sa ating magsasaka at mangingisda kung marami tayong post-harvet at cold storage facilities,” sabi ni Yorme Isko.

Mas maayos at agad na serbisyong medikal ang ipinangako na agad na tutukan ni Doc Willie Ong kung siya ang mananalong bise-presidente.

Kailangang isamoderno ang pasilidad at mga gamit sa mga publikong pagamutan, pansin ng mahusay na cardiologist at internist.

Kapos sa mga doktor at nars ang malalayong probinsiya at isa ito sa gagawin ni Doc Ong upang mabigyan ng atensiyong medikal ang mahihirap.

“Kung malusog ang mamamayan, magiging malusog ang bayan. Ang buhay at kabuhayan ng pamilyang Pilipino ang uunahin namin, at sana, mangyari ang mga ito, kung kami ni Yorme Isko ang pagtitiwalaan nyo,” sabi ni Doc Ong.