Advertisers

Advertisers

18-anyos nasunog ng buhay sa CdeO

0 501

Advertisers

CAGAYAN DE ORO CITY – Kalunos-lunos ang sinapit ng 18-anyos na lalaki na kasamang nasunog sa mga bahay sa Villa Ernesto Phase 1 Gemini St., Brgy. Gusa nitong lungsod.

Mahimbing ang tulog ng biktimang si Brian Kent Joketon kaya bigo itong makalabas nang lamunin ng apoy ang kanilang bahay.

Sinabi ni Fire Sr. Inspector Willie Tan ng BFP, pitong bahay ang naabo at tatlo ang partially damage. Tinatayang nasa P1.2 million ang danyos sa nasabing sunog.



Ayon kay Tan, patuloy pa nilang iniimbestigahan ang sanhi ng insidente.