Advertisers
ANIM na matataas na opisyal ng New People’s Army (NPA) ang magkakahiwalay na naaresto ng militar sa Quezon City at Bulacan.
Sinabi ni AFP Northern Luzon Command (Nolcom) commander, Lt. Gen. Arnulfo Burgos Jr., nadakip nila si Gil Peralta alias Elmo, ang kalihim ng Komiteng Rehiyon – Cagayan Valley, sa Barangay Mariblo, Quezon City.
Samantala, magkakasama sina Irene Agcaoili, Lourdes Bulan, Arcadio Tangonan, alias Bonel, at alias Bebang nang matunton sa Barangay San Vicente, Sta. Maria, Bulacan.
Narekober sa kanila ang isang M16 Armalite rifle, tatlong .45 pistols, limang anti-personnel mine at tatlong granada.
Nabatid na sina Peralta, Agcaoilo at Bulan ay pawang may warrants of arrest para sa mga kasong murder, multiple murder, multiple attempted murder, arson, at robbery.
Sinabi ni Burgos na ginagawa na nila ang lahat para tuluyang mabura sa North at Central Luzon ang mga rebelde.