Advertisers
APATNAPU’T LIMANG (45) mga Chinese maritine militia ships ang namataan sa Pag-asa Island nitong nakaraang linggo.
Ayon kay National Security Adviser at National Task Force for the West Philippine Sea chairman Hermogenes Esperon Jr. na ito ang pinakamaraming bilang ng mga Chinese vessel na namataan sa Pag-asa Island sa taong kasalukuyan.
“For almost one week nagtaka kami, unusual yung presence nila sa Ayungin there were about, usual dyan mga dalawang chinese maritime militia lang pero for the last week merong 19 at dun sa pagasa record number din, 45, record number for the year so very aggressive sila,” ani Esperon.
Sinabi ni Esperon na ilan sa mga barko ng China umaalis habang nananatili naman ang iba.
Isinaad ni Esperon na maghahain ng protesta ang bansa dahil bahagi ito ng exclusive economic zone ng Pilipinas.
“The Dept. of Foreign Affiars is filing protest on a daily basis, tuloy-tuloy, tuloy-tuloy ang protest dyan basta Pagasa ang pinag-uusapan at saka yung militarization nila,” saad ni Esperon.
Aniya, hindi magtatalaga ng barko ng Philippine Navy bagkus pawang mga barko ng Philippine Coast Guard at Bureau of Fisheries. (Mark Obleada)