Advertisers
NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 1,485 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Biyernes, Nobyembre 19.
Samantala ay mayroon namang naitalang 1,393 na gumaling at 277 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 0.8% (23,200) ang aktibong kaso, 97.5% (2,753,312) na ang gumaling, at 1.65% (46,698) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong November 17, 2021 habang mayroong 1 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 1 lab na ito ay humigit kumulang 0.6% sa lahat ng samples na naitest at 0.3% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)