Advertisers

Advertisers

Drug test sa presidential aspirants iminungkahi

0 653

Advertisers

HINIMOK ni Taguig Pateros Rep. Alan Peter Cayetano ang mga kandidato na sumailalim sa drug test.

Kasunod na rin ito ng naging pahayag ng Pangulong Duterte sa isang talumpati na mayroong isang presidential candidate na gumagamit ng cocaine.

Ayon sa dating House Speaker, kung wala talagang tinatago ang mga kandidato, ay mas mainam na sumailalim na lamang ang mga ito sa test.



At kung magnegatibo ay matatapos ang usapan.

Sakali naman na totoo, dapat ay umamin na lamang ang kandidato ay ipaliwanag ang kanyang panig.

Dagdag pa ng mambabatas, wala naman sa mga kandidato sa national position partikular sa pagkapangulo ang nagsabi na hindi nila itutuloy ang laban kontra iligal na droga na sinimulan ng administrasyon.

Kaya naman upang makita na totoo sa naturang adhikain, mas maigi na sila na mismo ang magkusa na sumailalim sa drug test.

Muli ring hinirit ng kongresista na kahit tapos na ang eleksyon ay mainam na magsagawa ng random drug test sa government officials. (Henry Padilla)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">