Advertisers

Advertisers

Panday kinatay ng kasamahan

0 348

Advertisers

Pinatay sa saksak ang isang panday ng kasamahan habang natutulog dahil sa dating alitan sa pera, sa Cebu sity, Huwebes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Dicen Comision, 50, panday; habang nadakip naman ang salarin na kinilalang si Johnny Suerte Manimtim, 44, panday, at kapwa residente sa Barangay Tubod, Badian.

Sa report, 9:00 ng gabi nang maganap ang krimen sa loob ng bahay ng biktima sa nasabing lugar.



Lumabas sa imbestigasyon, himbing na natutulog si Comision nang bigla na lamang itong sinugod ng salarin na armado ng kutsilyo at pinag-uundayan ng saksak.

Nagtamo ng mga tama ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktima na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Nabatid na dati nang may alitan ang salarin at biktima dahil na nawawalang pera ni Manimtim at ang pinagbibintangan nito si Comision.

Sa ginawang follow-up operation ng mga awtoridad, nadakip ang salarin sa loob ng bahay nito at narekober amg double blade na kutsilyo na ginamit sa krimen.

Nakita rin ang tsinelas ng salarin na may mga dugo pati na rin ang damit nito.
Inihahanda na ang kasong isasampa laban kay Manimtim.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">