Advertisers

Advertisers

PANGAKONG PATROL CARS PARA SA BENGUET, TINUPAD NI REP. YAP

0 507

Advertisers

TINUPAD ni Benguet caretaker at ACT-CIS Rep. Eric Yap ang pangako niya sa mga taga-Benguet na magkakaroon ng bagong PNP patrol cars ang bawat munisipyo sa nasabing lalawigan.

Malaki ang pasasalamat ng pamunuan ng PNP sa bawat munisipyo na nabigyan ng Toyota Hilux patrol vehicles.

Naniniwala ang PNP-PROCOR na pinangungunahan ni PBGEN Ronald Oliver Lee, RD, PCOL Reynaldo Pasiwen Benguet PPO PD, at iba pang mga opisyales na miyembro ng PROCOR na ang 15 unit patrol cars ay malaki ang maitutulong upang mapalakas ang kampanya ng PNP kontra kriminalidad at pagpapanatili ng peace and order sa probinsiya.



Sumaksi sa turnover ng mga patrol cars sa PNP sina Governor Melchor Diclas at iba’t ibang Mayor ng Benguet.

Samantala, naniniwala naman ang mga taga-Benguet na mahalaga sa panahon ngayon ang mga taong manunungkulan sa pamahalaan, lalo na sa Kongreso na mayroong isang salita.