Advertisers
DALAWANG miyembro ng Special Action Force (SAF) ang nasawi at apat ang nasugatan nang makasagupa ang mga elemento ng New People Army (NPA) sa Gamay, Northern Samar.
Kinilala ang mga nasawi na sina Patrolman Franklin Marquez at Pat. Jimmy Caraggayan.
Samantala, dinala sa pagamutan ang 4 sugatan na pulis upang malapatan ng lunas.
Ang mga biktima ay pawang kabilang sa Special Action Force Commando Course (SAFCC).
Ayon kay PNP Chief, General Dionardo Carlos, 7:00 ng umaga nang makasagupa ng mga elemento ng SAF ang ‘di batid na bilang ng mga rebelde sa Barangay Lonoy, Gamay.
Nagsagawa ng operation ang mga elememto ng SAF nang makatanggap ng report na namataan ang mga rebelde sa nasabing lugar.
Nasawi noon din sina Marquez at Caraggayan at kritikal ang apat nang pasabugan ng landmine ng mga rebelde.
Dalawa sa mga sugatan ay mga tinyente. (M. Obleada)