Advertisers
DESIDIDO ang National Task Force against COVID-19 na maaabot ng gobyerno ang target na 15 million vaccine jabs sa national vaccination drive mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.
Tiwala si NTF spokesman, Ret. Maj. Gen. Restituto Padilla na malakas at buhay na buhay ang “bayanihan” sa bansa kaya’t hindi imposibleng makamit ang target na makapagbakuna ng 15 million individuals.
Sinabi pa ni Padilla, nagpahayag na rin ng suporta ang mga health worker na makikiisa sa vaccination drive maging ang pribadong sektor kasabay ng pagbubukas ng kanilang pasilidad para sa nationwide vaccination campaign.
Pinayuhan naman ni Padilla ang publiko na hikayatin ang mga hindi pa bakunadong indibidwal na tanggapin na ang libreng COVID-19 vaccine.
Ito’y dahil makatutulong ang nasabing hakbang upang tuluyang makabangon ang ekonomiya ng bansa.