Advertisers

Advertisers

Truck holiday, ikinasa!

0 576

Advertisers

Nagkasa ng truck holiday o truckers rest day ang Confederation of Truckers Association of the Philippines (CTAP) Inc, at iba pang samahan ng truckers nitong Lunes.

Kinumpirma ni Mary Zapata, Pangulo ng CTAP na 90 porysentomg paralisado o tigil operasyon ng Port of Manila at Manila International Container Terminal o MICT.

Ayon kay Zapata, “silent protest” ang kanilang ginawa kung saan naging matagumpay ito sa unang araw .



Sa monitoring ng CTAP, nasa 9,000 mga cargo trucks ang hindi bumiyahe nitong Lunes kasama ng CTAP, Hataw, Integrated North Harbor Truckers Association, Bulacan truckers halos walang makitang truck sa lansangan partikular sa Road 10.

Dahil dito, inaasahan nang marami ang mga kargamento ngayon na matetengga 70 porsiento na ang yard utilization

Hiling ng CTAP sa PPA , BOC at MICT na magkaroon ng seryosohang pag-uusap upang resolbahin ang mga isyu na matagal ng iniaangal ng mga truck operators at mga drivers kaya’t bumabagal ang pagbiyahe ng mga kargamento at nagreresulta ng patung- patung na mga bayarin

Kasama na rito ang usapin ng no permit – no transaction na simulang ipinatupad ng MICT noong a-uno ng Nobyembre.

Ang patuloy na pagpapatupad ng Terminal Appointment Booking System (TABS) na matagal ng pahirap sa industriya.



Sinabi ng CTAP na may mangilanngilan ngayon na bumiyahe pero ang mga ito ang transaksyon na naipit pa noong Biyernes at Sabado at ang iba naman ay mga pabalik ng kanilang garahe o yard para lamang magsauli ng empty containers.

Umaasa naman ang CTAP na makakatulong nila ang kanilang mga kliyente at mga industriya na sumusuporta sa kanila kung tatagal pa ng ilang araw ang kanilang truck holiday.(Jocelyn Domenden)