Advertisers

Advertisers

NCR nasa GCQ parin; Iligan City inilagay sa MECQ

0 234

Advertisers

Nanatili ang National Capital Region (NCR) sa General Community Quarantine (GCQ) habang isinailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Iligan City simula Sept. 1 hanggang Sept 30.
Ito ang inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang pulong nito sa pagitan ng Inter-Agency Task Force (IATF) kamakalawa ng gabi.
Ang bagong quarantine measures ay inanunsiyo kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque.
Isinailalim din sa GCQ ang Bulacan, Batangas, Bacolod City at Tacloban.
Habang ang nalalabi pang bahagi ng bansa ay isinailalim na lamang sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).
Samantala, sinabi rin ni Roque na papahintulutan na ang pababalik ng mga religious gatherings sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).
Ito ay kasabay ng pagpasok ng ‘Ber’ months na itinuturing ding pagsisimula ng kapaskuha sa bansa.
Ayon kay Roque, pinapapayagan ang hanggang sampung porsyentong kapasidad ng mga upuan sa isang venue at religious gatherings mula sa dating sampung tao lamang.
Magugunitang, itinakda ang hanggang sampu katao lamang na maaring dumalo sa mga religious activities noong muling isinailalim sa modified enhanced community quarantine ang Metro Manila at maibalik mula sa GCQ noong nakaraang buwan. (Vanz Fernandez/Josephine Patricio)