Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
KAKALOKA naman ang reaksyon ng mga marites dahil feeling nila ay isa nang marisol (dakilang manunulsol) ang Kapamilya actress na si Angel Locsin.
Sa Instagram account kasi ni Angel, ibinuking ni Kris Aquino na ang aktres ang nag-send sa kanya ng mensahe ng tweet ni senatoriable Herbert Bautista hinggil sa TOTGA Kung Maibabalik Ko Lang emote nito.
Sey kasi ni Kris kay Angel:@therealangellocsin, pwede ko bang i-reveal na ikaw yung nagpadala ng tweet sa ‘kin? And sinabi ko, ang weird mo kasi nung nabasa ko ng 5AM (because nag-bathroom ako) at nag-reply sayo tapos sumagot ka dahil gising ka pa, sinagot mo ko na ‘Ate, walang tatalo naman sa pagka-weird niya, kaya matulog na tayo.”
Dahil sa pambubuking na ito ni Kris, umani ng samu’t saring reaksyon ang naging mensahe niya kay Angel.
Hirit ng mga mosang, papasa raw sa kapatiran ng mga marites ang aktres.
Hindi man tinumbok ni Kris kung sino ang tinutukoy na weirdo ni Angel, obviously ito raw ay walang iba kundi si Bistek dahil ito ang malaking isyu sa kanila ngayon.
Ito naman ang iba’t ibang komento ng netizens sa umano’y panlalaglag ni Kris kay Angel.
“Marites alta version hahahaha”
“Nakakatawa ung tatawaging marites si Angel. Eh tayo, anong klaseng marites tayo? At least yun sinumbong lang nya sa friend nya. Diba yan ginagawa ng normal na magkaibigan?”
“It’s not chismis yung sinabi ni herbert
Since wala twitter si kris si angel na mismo nag RELAY sa close friend nya”
“Dakilang FRIEND”
“Hahahaha katakot magpadala ng scoop kay Tetay ibubuking ang source nya! Kaya dito na lang ako kay FP 😂”
“That also struck me. Forever tactless si Tetay.”
“Yan ang kaibigan. May malasakit sa kapwa kaibigan. Lalo na kung ginagamit na talaga.”
“Paano naging marites si angel?
Naka public ang tweets ni herbert
Sinabi nya lang kay kris since wala naman twitter si kris”
Speaking of Angel, sa bagong YouTube channel naman niya ay tinalakay kung paanong naaasiwa ang kanyang mister na si Neil Arce nang mapanood ang love scenes nito with John Lloyd Cruz sa pelikulang pinagsamahan ng dalawa.