Advertisers

Advertisers

Paglabag sa health protocols ituturing ng Comelec na election offenses

0 102

Advertisers

INIHAYAG ng Commission on Elections (Comelec) na ang paglabag sa health and safety protocols ay ituturing na rin election offenses simula sa unang araw ng campaign period.

Batay sa Comelec Resolution 10730 na may petsang Nobyembre 17, ang pagsusuot ng face mask at face shield, pagpapanatili ng one meter distancing, regular na paglilinis ng mga kamay, maging ang tamang paraan ng pag-ubo at pagbahing ang mga itinuturing na tamang health protocols.

Ito ay alinsunod na rin sa pagpapatupad ng Fair Election Law.

“Any violation of Fair Elections Act and these Rules shall constitute an election offense punishable under the first and second paragraph of Section 264 of the Omnibus Election Code and other pertinent laws, rules and regulations, whenever applicable,” nakasaad sa resolusyon.

Opisyal na magsisimula ang pangangampanya ng mga kandidato sa national position sa darating na Pebrero 8, samantalang Marso 25 naman para sa mga local candidates at kapwa magtatapos sa Mayo 7.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More