Advertisers
NAKATANGGAP ng tulong mula sa tanggapan ni Senador Christopher “Bong” Go ang mga frontliners at pasyente ng Dr. Jorge Royeca Hospital sa kanyang pagbisita sa General Santos city.
Mismong si Go ang dumalaw at nagdala ng tulong sa mga frontliners at pasyente kung saan kabilang sa mga ipinamahagi ay mga pagkain, vitamins at nagpa-raffle ng tablet para sa mga estudyante, bisekleta na magagamit sa pagpasok at mga sapatos.
Ayon kay Go, kaunting tulong lang ang mga ito lalo na sa mga frontliners na maituturing na mga bayani dahil exposed sila at nalalagay sa peligro ang buhay dahil sa COVID-19 pandemic.
Sinabi ni Go na full support sila ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga frontliners at mga pasyenteng nangangailangan ng tulong.
Binigyang-diin pa ni Go na palaging bukas ang kanyang tanggapan para tumulong at makapagsalba man lang ng buhay. (Mylene Alfonso)