Advertisers
MAGPAPASAILALIM si Manila Mayor at Demokratiko presidential aspirant Isko Moreno sa voluntary drug test. Ito ang kanyang ipinahayag nitong Miyerkules.
Sa isang liham na ipinadala kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Wilkins Villanueva, sinabi ng 47-anyos na alkalde na siya ay nagre-request na sumailalim sa agarang drug test..
“In the interest of public service of the highest order, may I please submit myself for immediate drug testing for cocaine, shabu, marijuana, or all other illegal substances,” sabi ni Moreno.
“I shall make myself personally available in your office the soonest possible,” dagdag pa niya.
Ginawa ni Moreno ang hakbang matapos na may isang grupo ang humikayat sa lahat ng kandidato sa 2022 national elections na sumailalim sa drug testing.
Nauna rito ay may pinaringgan si President Rodrigo Duterte na may presidential candidate na tumitira ng cocaine. (ANDI GARCIA)