Advertisers
MALAYO pa man ang May 2022 election ay nalalansag na ang political group ni Congressman Edgar ‘Egay’ Erice, na tatakbong alkalde ng Caloocan dahil sa samu’t saring problema at kabiguan.
Pakiwari din ng mga local political experts, ay kawangis si Cong. Erice ng isang barko na unti-unti nang lumulubog sa gitna ng malawak na karagatan.
Ang tulad din sa sinaunang barkong M/V Erice ay walang direksyon at ang mga opisyales at tripulante nito ay pawang hilong talilong na naghahandang maglundagan sa gitna ng malawak na karagatan upang iligtas ang kanilang sarili at di makasama sa paglubog nito.
Malaki na din ang depekto ng vintage ship na M/V Erice pagkat nagkakalamat ang pampulitikang relasyon ni Erice at mga kaalyado nito nang layasan kamakailan ni konsehal Rose Mercado ang grupo ng kongresista.
At ngayon, muli na namang nagpanik ang mga sakay ng M/V Erice pagkat mistulang muli na namang tumagilid ang M/V Erice at napag-uusapan na naman ito matapos mapabalitang apat sa mga kaalyado – sina Councilors PJ Malonzo, Alou Nubla, Carding Bagus at Alexander Mangasar ay pinaghuhuli ng awtoridad.
Sina Malonzo, Nubla, Bagus at Mangasar ay pinapaaresto ni Judge Remegio Escalada, Jr., ng Branch 123 Regional Trial Court – Caloocan City dahil sa paglabag sa Cyber Crime Prevention Act of 2012 (RA 10175).
Matatandaang ang apat na nasasakdal ay lumabas sa iba’t ibang video sa social media, pinaparatangan si Mayor Oscar Malapitan ng iregularidad sa pagbili at distribusyon ng digital tablet sa mga estudyante ng lungsod.
Nauuna nang sinabi ni Malapitan na ang alegasyon ay premature politicking, ang mga video ay ginamit na platform upang siraan ang Caloocan Digital Tablets Program ng administrasyon ni Malapitan.
Isinampa ni Malapitan ang criminal complaint sa Caloocan Prosecutor’s Office, ngunit sa kahilingan ng mga respondents sa pamamagitan ng DOJ ay na-transfer sa San Juan Prosecutor’s Office na nagresolba sa kaso.
Ang issuance ng arrest warrant ni Judge Remegio Escalada ng RTC-Caloocan ay sumunod matapos ang resolution na napag-pasyahan ng San Juan Prosecutor’s Office through Assistant Prosecutor Marianne A. Taro.
Hindi nakumbinse ng mga inireklamong konsehal si Prosecutor Taro na nagdesisyon pabor kay Malapitan. Inilarawan ni Piskal Taro ang biradang alegasyon ng mga konsehal na “reek of ill-motive and malice”.
Sinabi sa naturang resolusyon ni Piskal Taro na ang mga pahayag ng mga narereklamong konsehal ay maliwanag na paninira – “imputations tending to cause dishonor, discredit or contempt upon the complaint”.
Dahil sa paborableng desisyon na ito na pumabor kay Malapitan, ito’y lamat na naman sa liderato ni Erice dahil lumalabas na ang inaasahang pagkalinga niya ay tila hindi maramdaman ng mga sumaping kaalyado.
Ang ulat, kaya lumayas si konsehal Rose Mercado sa barkong Erice ay dahil may kimkim na tampo sa kongresista. Ito’y may kinalaman sa pangakong napako ng solon kaya nag-alsa balutan si Mader.
Malakas ang bulung-bulungan na si Erice ang nasa-likod ng paninira gamit ang nasabing mga konsehal bilang preparasyon sa kanyang pagtakbo bilang alkalde, katunggali si Cong. Along Malapitan, anak ni Mayor Oca?
Sa mga survey, milya-milya ang layo ni Cong. Along kay Cong. Erice – isang dahilan – malayo pa ang halalan subali’t kaliwa’t kanan na ang paninira sa mag-amang Malapitan, ayon sa ating deep penetration agent (DPA).
Dahil sa consistent high survey rating ni Cong. Along, tiyak na kinakabahan na ang kanyang mga kalaban.
Pagkatapos tumalon itong si Coun. Rose Mercado sa kampo ng Malapitan, mula sa anila’y lumulubog nang barko ng mga kalaban, sino pa ang susunod na mag-aala ‘Rose Mercado’ na lulundag patungo sa barko ng mga Malapitan? Abangan…
***
Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144; com. email: sianing52@gmail.