Advertisers

Advertisers

‘EO No.13’ at ‘No take policy’, mukhang ‘di epektibo sa Oriental Mindoro

0 68

Advertisers

17-26 resulta ng jueteng kahapon ng tanghali at 40-30 naman kagabi.

NAMUMUKOD tangi ang probinsiya ng Oriental Mindoro na bumabalewala sa ibinabang kautusan ng Malakanyang.

Bakit ko nasabi? Kahit pandemya lantaran at untouchable ang operasyon ng Jueteng na nagkukubli sa Peryahan ng Bayan (PnB).

Ayon sa source isang ABC President at isang UTOL ang umanoy namamahala ng pasugal ng PnB cum jueteng na nagkaroon ng magandang USAPAN sa pagitan sa TATLONG ahensiya ng GOBYERNO na nangangalaga sa “peace and order” na sumusupil sa lahat ng uri ng illegal vices sa naturang lalawigan.

Ito ay kinabibilangan umano ng Provincial Government ng Oriental Mindoro, National Bureau of Investigation-MIMAROPA (NBI-MIMAROPA) at Police Regional Office MIMAROPA.

Ang mga ito ay pinamumunuan nina Governor Humerlito “Bonz” Dolor, NBI-4B Regional Director Rommel J. Vallejo at PRO-4B Regional Director PBGen Nelson Bondoc.

Ayon sa source, tila hindi epektibo sa nabanggit na lalawigan ang ibinabang Executive Order No.13 ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte maging ang ‘No take policy’ nina DILG Secretary Eduardo Año at PNP chief, Dionardo Carlos na nagbabawal sa lahat ng mga opisyal ng gobyerno at kapulisan na tumanggap ng pabor (PAYOLA) mula sa mga gambling Lord.

Nagtataka din sila sa pananahimik ng simbahan sa isyu ng lantarang operasyon ng iligal na sugal sa 14 na bayan at 1 lungsod sa Oriental Mindoro.

Dagdag pa nila, wala umanong sira ulong nilalang ang maniniwalang walang ”PAKISAMA” na nakukuha dito ang mga NAKAUPONG opisyal sa nabanggit na probinsiya?!

Kasi nga, “untouchable” umano ang pamamayagpag ng operasyon ng Jueteng kahit nasa gitna ng pandemya ang bansa ay hindi raw ito ni minsan napahinto simula ng mag-operate ito noong June 19, 2019.

Anila, kinokondena nila ang presensiya ng lantarang pagpapataya ng mga kubrador ng Jueteng na may dalawang resulta tanghali at gabi.

Sinasabing hindi umano kinonsidera ng mga nabanggit na opisyal ang kapakanan ng mga mamamayan na naghihikahos sa gutom lalo na yong mga nawalan ng trabaho at pangakabuhayan dulot ng COVID-19 pandemic bagkos itinutulak umano sa bisyo sa pagtataya sa Jueteng ang pera na dapat pambili na lang ng bigas.

Napakaunlad at progresibong pamamayanan ang nasabing lalawigan kung kaya’t hindi katanggap-tanggap sa sektor ng simbahang Katoliko ang pagkupkop umano ng mga nabanggit na opisyal sa kanilang hurisdiksyon na sinasabing isa itong “dereliction of duty at gross misconduct” dahil sa pagpapabaya at pagbibigay diumano ng proteksyon sa gambling Lord.

Dagdag pa ng source, kung aaksyon dito ang DILG at PNP, ang mga Mayors, Barangay Captain, Police Regional Office at Provincial Police Office ang unahing patawan ng parusa dahil sa diumanoy pangungunsinti umano sa lantarang operasyon ng iligal na sugal na Jueteng na may numero mula 1- 40 na binibola sa tuwing alas dose ng tanghali at alas otso ng gabi sa pamamagitan ng Holen.

‘Yan ay kung tatalima sila sa Executive Order No.13 ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte maging sa “No take policy” nina DILG Sec Eduardo Año at PNP Chief, General Dionardo Carlos.

Pero kung magsawalangkibo sina Año at Carlos sa ipinagkaloob na tiwala sa kanila ng mahal na Pangulong Rodrigo Duterte, wala na tayong magagawa!

Infairness naman kay Governor Bonz Dolor kilala nating matino ang mamang ito kung saan hinirang pa ito bilang TOP 1 BEST PERFORMING GOVERNOR IN MIMAROPA at TOP 6 BEST PERFORMING GOVERNOR IN THE PHILIPPINES, ganon din kina Gen. Bondoc at Atty. Vallejo alam nating matino ang mga opisyal na ito pero sila inuugnay sa umanoy daloy ng PAYOLA?

Nakapagtataka rin ang KATAHIMIKAN ng simbahan samantalang galit ang mga ito sa iligal na sugal kung saan sila ang nangunguna sa pagtuligsa at pagkontra sa Jueteng?

Minsan na ring ibinunyag ni Senior Deputy Spreaker 1st district Congressman Doy Leachon ng Oriental Mindoro ang talamak na operasyon ng jueteng at pakikipag-meeting ng isang mataas at maimpluwensiyang pulitiko sa Jueteng Lord kasama ang ABC President.

Ilang kubrador at kabo na rin ang nasakote ng CIDG-4B sa pamumuno ni Col. Erwin Dayag na nangungubra ng taya at nakapag-piyansa at malaya paring nakakapagpapataya…

DILG Sec Año at PNP Chief, dito nyo simulan ang imbestigasyon dahil ayon sa ilang source na laging nagpapaabot ng impormasyon sa BALYADOR, isang maimpluwensiyang pulitiko na tumatanggap ng P5-Milyon kada buwan ang umanoy padrino o protektor ng illegal numbers game sa Oriental Mindoro.

Subaybayan natin!

@@@

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood livestreaming at Youtube live!

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More