Advertisers
PINATUNGAN ng orange shirt si dating House Speaker Martin Romualdez habang nakahiga sa kama sa Cardinal Santos Medical Center nang silbihan ito ng warrant of arrest kaugnay ng P7.4 bilyong plunder case.
Ayon kay CIDG-NCR chief Colonel John Guiagui, hindi muna nila pinasuot ng maayos kay Romualdez ang orange shirt dahil sa kanyang kondisyon.
“Napatungan sa ngayon [ng orange shirt] dahil nga hindi naman namin puwedeng tanggalin ’yung mga aparato niya para lang ilagay ’yung T-shirt,” ani Guiagui.
Makikita sa inilabas na larawan si Romualdez na nakahiga sa hospital bed, may nakakabit na medical equipment, habang nakapatong sa kanyang dibdib ang orange na damit na may markang CIDG.
Sinabi rin ni Guiagui na “pictures na lang muna” ang ginawa dahil hindi maitatayo si Romualdez. Naroon din ang sheriff ng Sandiganbayan 3rd Division upang beripikahin ang kanyang pagkakaospital at medical condition.
Kaugnay ang warrant sa plunder case na isinampa ng Office of the Ombudsman dahil sa umano’y anomalya sa flood control projects.