Advertisers
PUPUNTA si Interior Secretary Jonvic Remulla sa France upang i-follow up ang hiling ng gobyerno para sa Interpol ‘red notice’ laban kay dating Ako Bicol party-list Representative Zaldy Co.
Ito ang inihayag ni Remulla nitong Martes, kasunod ng pag-iisyu ng Sandiganbayan ng warrant of arrest laban sa dating mambabatas kaugnay ng P7.4 bilyong plunder case na inihain ng Ombudsman.
“Pa-file-an na namin si Zaldy Co ulit ng red notice. Coincidentally, magka-kasabay… pupunta rin ako sa France para i-follow up ang red notice niya sa Interpol,” ani Remulla sa isang press conference.
“Si Ombudsman Boying announced yesterday that he’s going to Paris also para kausapin ang mga authorities do’n. I will work with the Interpol, he will work on diplomatic efforts para makuha si Zaldy Co,” dagdag niya.
Nauna nang inihayag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na magtutungo siya sa France upang kausapin ang mga awtoridad sa naturang bansa, kungsaan napaulat na naroroon sina Co at Senadora Loren Legarda.
Samantala, naaresto ang kapwa akusado ni Co sa kasong plunder na si dating Speaker Martin Romualdez sa isang ospital sa San Juan.
Ayon kay Sec. Remulla, patuloy ang paghahanap sa dalawa pa nilang kapwa akusado para sa pag-papatupad ng warrant.