Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
GAANO katotoo ang tweet ng isang birdie na may silent feud sina Vice Ganda at John Prats?
Nag-ugat daw ang away nila dahil iniwan ni John bilang director ang It’s Showtime para mag-co-direct sa FPJ’s Ang Probinsyano.
Sumama raw ang loob ni Meme Vice kay John dahil buong akala nito ay mag-i-stay na ito bilang resident director ng nasabing noontime show.
Sa nangyari, para rin daw pinatotohanan ni John ang komento ni Kim Atienza na toxic o “masakit sa ulo” ang pagtatrabaho sa It’s Showtime.
Na-hurt daw ang komedyante sa naging desisyon ni John lalo na’t ito ang tumatayong bangka o boses ng It’s Showtime family sa management ng Kapamilya network.
May mga tsika ring in-unfollow na nina Vice at John ang isa’t isa sa Instagram.
Kung totoo man ito, sana naman ay maayos na ang kanilang gusot lalo pa’t iisa lamang ang network na kanilang pinagtratrabahuhan.
As of this writing, may tsikang nagkabati na raw ang dalawa at nag-follow na sa bawat isa sa kanilang socmed accounts.
***
Sine Kabataan Short Film Competition, bukas na
Pagkatapos ng matagumpay na 4th Sine Kabataan Short Film Competition noong Setyembre, ibinabalik muli ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang open call para sa pagsusumite ng story concepts mula sa young filmmakers simula sa Nobyembre 19, 2021 para sa ikalima nitong edisyon.
Open sa filmmakers edad 18 hanggang 30, ang kumpetisyon ay bukas sa mga aplikante mula Luzon, Visayas, at Mindanao.
Sa mga magqua-qualify, magkakaroon ng ekslusibong film labs ang mga participant.
Ineengganyo ng FDCP ang filmmakers na talakayin sa kanilang shorts ang mga temang panlipunan habang nililinang ang kanilang pagkamalikhain sa kanilang mga kuwento.
Ang dalawampung (20) shortlisted story concepts ay sasailalim sa film labs. Sampu (10) ang pipiliing finalists ng Selection Committee.
Ang bawat isa sa mapipiling finalist ay tatanggap ng PHP 100,000 grant para i-prodyus ang kanilang short films.
Dahil sa pagluluwag ng restrictions tungkol sa Covid-19, ang mga mapipiling kalahok ay mapapanood sa hybrid on-site at digital platforms.
“Witnessing the effectiveness of conducting film labs from the previous edition of Sine Kabataan, we are now on the lookout for a new batch of young filmmakers with their creative take on relevant societal issues through filmmaking. Now that we are shifting the Sine Kabataan events to a hybrid format, the filmmakers can fully utilize the film labs to further enhance their skills and projects,” ani FDCP Chairperson at CEO Liza Diño.
Ang Sine Kabataan tulad ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) ay proyekto ng Film Development Council of the Philippines.