Advertisers

Advertisers

Kesa sa normal… Bianca mas enjoy na sa lock in taping

0 140

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

NARANASAN na ni Bianca Umali  ang lock in taping dahil sa pandemya dulot ng COVID-19; ano ang kakaiba niyang karanasan sa kanilang lock in?

“Siguro po nung first time ko lang po yun na hindi puwedeng lumabas, sa isang lugar. At first I didn’t know what to expect plus ang layu-layo pa po ng location namin but when I got there and nung nakakailang buwan na rin ho kaming naka-lock in, I actually got the hang of it.

“And I love being locked in,” bulalas pa ni Bianca.

“Na-enjoy ko po siya. Sobra,” nakangiting sinabi pa ni Bianca.

Ibig bang sabihin, kapag natapos na ang pandemya at puwede na ulit ang regalar na set up na uwian ang taping at shooting, mas nanaisin pa rin ni Bianca ang lock in?

“Para po sa akin yung naging bagong sistema po kasi ngayon ng pagte-taping ng bawat show meron po talagang pros and cons.

“Pero siguro po sa ngayon masasabi ko na I am for yung lock in system kasi iba yung focus, iba yung opportunites, ang daming time, the fact na nandun ka lang, nandun ka lang sa character mo bilang isang aktor, hawak mo yung oras mo para mag-aral, hawak mo yung oras mo sa lahat.

“And I think even personally, ang daming time para mag-reflect, ang daming time magmuni-muni,” at natawa si Bianca,” and those are some of the things that I really enjoy po kasi personally, e.

“Kaya siguro na-enjoy ko ang lock in.”

Dahil tapos na nga ang Legal Wives, ano ang plano ni Bianca; magpapahinga ba muna siya bago muling sumabak sa trabaho, o haharapin muna niya ang kanyang singing career?

Kare-release lamang ng kanta ni Bianca na Itigil Mo Na sa ilalim ng GMA Music nitong September 30; available ang Itigil Mo Na sa Spotify, YouTube Music, Apple Music, at iba pang digital stores worldwide.

Nauna rito ang Kahit Kailan na debut single ni Bianca nitong nakaraang taon na nominated sa 34th Awit Awards for Best Performance for a New Female Recording Artist at Best Engineered Recording.

“Singer na rin ho ako ngayon,”  tumatawang bulalas ni Bianca. “Hindi pa rin ho ako makapaniwala at salamat po at alam nyo na may music career ako.

“Maliban ho doon, ngayon ho I am preparing for a next project po, very soon, mag-i-start na po. Pero sa ngayon po nakapahinga po ako.”

Tapos na ring mag-shoot si Bianca para sa third season ng Halfworlds para sa HBO Asia.

“Ngayon po nasa editing na po sila, maybe another year, so I think eere na po siya on HBO hopefully third quarter of next year but not yer sure, depende kung wala na hong hadlang na mangyari.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More