Advertisers

Advertisers

Accreditation ng 76 na political parties at party-list, ibinasura

0 400

Advertisers

IBINASURA ng Commission on Election (COMELEC) ang akreditasyon ng 76 na political parties at party-list para sa 2022 election.

Ayon kay COMELEC Spokesperson Dir. James Jimenez, denied with finality ang mga nakasama sa listahan.

Kabilang sa mga ibinasurang akreditasyon ang LADLAD, Gamers and Gadgets Partylist, Philippine Champ Movement, OFW Coalition party at iba pa.



Kasabay nito, kinumpirma rin ni Jimenez na wala pang desisyon ang COMELEC hinggil sa sigalot sa PDP-Laban.

Matatandaang mayroong dalawang faction ang PDP-Laban kung saan pinamumunuan nina Energy Sec. Alfonso Cusi at Senator Koko Pimentel.

@@@

Samantala inaasahang hindi bababa sa 65.5 milyong botante ang boboto sa 2022 National and Local Elections.

Sinabi ni Commission on Election (COMELEC) Spokesperson James Jimenez, nakapagdagdag ng 8,147,080 na botante sa registration period kasama na rito ang mga nag pa re-activate na botante para sa susunod na halalan.



Dagdag ni Jimenez, nakapagtala ang komisyon ng nasa 4,094,614 na mga bagong botante na may edad 18 hanggang 21 taong gulang.

Batay sa datos ng COMELEC, karamihan sa mga bagong rehistro ay kabilang sa 21-anyos na kinapapalooban ng 750,578 lalaki at 796,891 babae.

Samantalang, nasa 171,033 naman ang bilang ng mga bagong rehistrado na tumuntong sa 18 taong gulang.

@@@

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood livestreaming at Youtube live!