Advertisers

Advertisers

Kandidatong Konsehal, 1 pa patay sa ambush

0 453

Advertisers

DEAD on the spot ang isang kumakandidatong Konsehal at kasama nito, habang isa ang sugatan nang tambangan ng hindi nakilalang salarin sa kahabaan ng Bambang Road Brgy. San Miguel San Simon, Pampanga.

Sa report ni PNP Provincial Director P/Col.Robin Sarmiento, kinilala ang mga biktima na sina Rogelio Esguerra Salvador Jr., 42 anyos; at Joel Manuel Salvador na nasa hustong gulang na residente ng Brgy. Concepcion sa nabangit na bayan.

Sa ulat, sakay ng Chevrolet Trailblazer SUV (CDZ-5651) ang mga biktima nang makasalubong  ang isang kotse na lulan ang mga salarin.



Ayon sa report, 8:30 umaga ng pagbabarilin ang sasakyan ng mga biktima.

Nabatid na patungo sa Brgy.  San Jose ang dalawa ng paputukan ng mga armadong grupo.

Samantala himalang nakaligtas naman ang driver ng SUV na si Arnel Caparas na nagtamo rin ng sugat sa katawan sa naganap na pamamaril.

Ayon sa mga imbestigador pulitika ang angulo na kanilang tinitingnan, dahil wala naman umano itong kaaway, dahil sa mabait at mahilig makipagkaibigan ang mga biktima.

Sa tala ng mga pulis ito ang kauna-unahang kaso ng ambush sa Pampanga bago ang May 9, 2022 National at Localelection.(Thony D. Arcenal)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">