Advertisers
NASAWI dahil sa matinding takot ang isang dalagita nang atakehin ito sa puso habang ginigiba ng demolition team at mga armadong tauhan ng Rizal PNP ang kanilang bahay sa Antipolo City.
Kinilala ang namatay na si Mica Antoinette Ferrer, 14 anyos, nakatira sa V. V. Soliven, Open Space, Barangay Mayamot, Antipplo City.
Dakong 3:00 ng hapon ng Nobyembre 26 nang wasakin ng mga demolition team ang bahay ng 100 pamilya kasama ang mga armadong pulis at assualt team kasama si Rizal PNP Provincial Director Colonel Dominic Baccay.
Ayon sa pamilya, hindi nakayanan ng bata ang takot sa mga mahahabang baril at umano’y dorobong mga demolition team habang winawasak ang kanilang tanahan.
Habang pinabayaan naman ng Antipolo City Government ang mga nawalan ng tahanan na matulog sa semento sa covered court sa lugar dahil sa kawalan ng relokasyon.
Nakaburol ngayon ang dalagita sa giba nilang bahay sa lugar.(Edwin Moreno)