Advertisers
NASAWI ang isang dating boksingero na naging laborer nang makuryente habang may inaayos sa isang gusali sa palengke sa bayan ng Magsaysay, Davao Del Sur nitong Sabado ng umaga.
Ayon sa Davao del Sur Provincial Police Office, ang biktima ay kinilalang si Gerardo “Gerry” Quiñones, 48 anyos.
Sa ulat, pinagtrabaho ang biktima para ayusin at palitan ang bubong sa ikalawang palapag ng gusali.Pero aksidenteng tumama ang katawan ni Quiñones sa kable ng kuryente ng Davao del Sur Electric Cooperative na may 13,000 voltage, sanhi ng pagkakuryente nito.
Sinubukan pang dalhin ng mga rescuer ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ang biktima sa Viacrusis Hospital, pero idineklarang dead on arrival ito.
Naging boksingero si Quiñones noong dekada ’90 at nakapaglaro pa sa iba’t ibang bahagi ng bansa.