Advertisers
HINANGAAN ng netizens ang 16-anyos na Grade 10 student na naging milyonaryo sa murang edad dahil sa kanyang online business.
Sa kanyang murang edad ay nakamit ni Irish Oloris ang pagiging milyonaryo nang magsimula itong magbenta ng beauty products online.
Lalo pang hinangaan si Irish dahil napagsasabay nito ang kaniyang pag-aaral at ang kaniyang negosyo.
Aminado si Irish na malaki ang naging tulong ng kaniyang ina dahil sa tinuruan siya nito sa paghawak ng maliit na business.
Ngunit may paalala rin ang kanyang ina kay Irish.