Advertisers

Advertisers

ADIK MINASAKER ANG 4 MIEMBRO NG PAMILYA SA CAVITE

0 355

Advertisers

TATLONG miyembro ng isang pamilya ang nasawi at isa ang nasa kritikal na kondisyon nang pagsasaksakin ng kapitbahay na kilalang adik sa Barangay Congbalay, Kawit, Cavite, Linggo ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina Ronaldo Hingada, 71 anyos; misis na si Angelita, 63; at anak na si Roan Hingada-Andres, 45. Kritikal naman ang isa pang anak ng mag-asawa na si Rolito, 47.

Sa report mula sa opisina ni Police Master Seargent Erwin Clerigo, 6:00 ng gabi habang nakaupo si Roan sa harapan ng kanilang bahay nang bigla itong atakihin ng mga saksak ng kanilang kapitbahay na si Jeraldson Villamater alyas Butch. Pagkatapos ay pumasok ang salarin o sa bahay ng mga Hingada at pinagsasaksak din ang matandang mag-asawa at si Rolito.



Maari umanong nagulantang ang mga biktima kaya hindi nagawang makapanlaban at nasalo ang sunud-sunod na mga saksak ng salarin, na kaagad tumakas pero naaresto rin ng mga awtoridad na rumisponde sa insidente.

Isinugod pa sa Binakayan Hospital ang mga biktima pero pawang idineklarang dead-on-arrival ang tatlong nabanggit habang inoobserbahan pa si Rolito.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na may hinala si Villamater na isusumbong siya ng mga biktima sa mga awtoridad na isa siyang drug user kaya niya nagawa ang krimen.(Irine Gascon)