Advertisers

Advertisers

10-15 botante lang papayagan sa loob ng polling precinct – Comelec

0 208

Advertisers

LILIMITAHAN lamang sa 10 hanggang 15 katao ang bilang ng papayagang botante sa loob ng polling precinct sa itatakdang oras, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Sa isinagawang forum na inorganisa ng National Citizens Movement for Free Elections o Namfrel, ipinrisinta ni Comelec Director Teopisto Elnas Jr. ang COVID-19 preventive measures na ipapatupad sa halalan.
Gayunman, ang nasabing bilang aniya ay nakadepende pa rin sa laki ng polling precinct.

Kailangan aniya masunod ang minimum social distancing sa loob ng polling places bukod pa sa temperature checks na ipapatupad din sa entrance o bago pumasok ng precincts.



Samantala, tutulong naman ang miyembro ng kapulisan at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagkontrol sa dami ng tao sa panahon ng eleksyon upang masiguro na nasusunod ang social distancing at pagsusuot ng face mask.

Inaasahan kasi na dadagsa ang mga botante sa mga polling precincts sa sandaling magsimula na ang pagbubukas ng botohan sa umaga na sisimulan ng alas-6 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi. (Jocelyn Domenden)