Advertisers

Advertisers

‘Mag-ingat kahit may bakuna’ – Bong Go

0 227

Advertisers

IPINAALALA ni Senator Christopher “Bong” Go sa publiko na patuloy na mag-ingat kahit pa ang mga may bakuna na lalo’t sinasabing mas mapanganib at mabilis makahawa ang bagong COVID-19 variant Omicron.

Ang Omicron variant ay iniulat ng World Health Organization na mula South Africa. Ayon sa WHO, ang variant ay doble ang bagsik kaya binabantayan ito ngayon ng mga awtoridad upang hindi kumalat.

Sa kanyang video message sa relief operation ng kanyang grupo sa Lupon, Davao Oriental, pinayuhan ni Go ang bawat isa na maging maingat upang hindi masayang ang naging sakripisyo ng gobyerno laban sa pandemya.



“Kailangan namin ni Pangulong (Rodrigo) Duterte ang kooperasyon ninyo upang malampasan natin ang krisis na ito. Huwag tayo maging kumpiyansa. Kahit na nabakunahan na kayo, mag-social distancing at magsuot pa rin kayo ng mask at face shield dahil hindi natin alam kung sino ang positibo sa COVID-19,” paliwanag ni Go.

Ang grupo ni Go ay namahagi ng ayuda sa may 659 benepisyaryo na binubuo ng solo parents, senior citizens at barangay functionaries sa municipal gymnasium.

Namigay naman ang Department of Social Welfare and Development ng financial assistance habang ang Department of Agriculture ay namahagai ng mga vegetable seeds at ang Department of Labor and Employment, Department of Trade and Industry, at Technical Education and Skills Development Authority ay nagsagawa ng assessments sa mga bibigyan nila ng assistance programs.

“Sa mga pasyente, lapitan niyo lang ang Malasakit Center dahil para ito sa inyo. Kung may bill kayo, nandiyan ang apat na ahensya ng gobyerno na tutulong para mabayaran ito. At kung may naiwang balanse, may iniwan rin na pondo ang Office of the Presidente para wala na kayong babayaran sa inyong pagpapaospital,” ang sabi ni Go.

Nauna rito, nagsagawa rin ang grupo ni Go ng relief efforts sa may 353 residente sa Mati City.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">