Advertisers

Advertisers

Mandatory vaccination dapat – Lorenzana

0 204

Advertisers

NAIS ni National Task Force Against Covid-19 Chairman at Defense Sec. Delfin Lorenzana na gawing mandatory ang covid-19 vaccination.

Aniya, mahirap kung walang batas na mag-oobliga sa mga mamamayan na magpabakuna kaya ang tanging magagawa na lang ng pamahalaan ay magpatupad ng restrictions para sa mga hindi bakunado.

“Yes, it should be mandatory. Everyone should contribute to the health of the community. Those unvaccinated are vulnerable of getting the virus and getting seriously sick. They not only burden the state by their hospitalization but will also spread the virus around,” ani Lorenzana.



Dagdag pa ng opisyal, ang mga hindi bakunado ay dapat pagbawalan magtungo sa mga public places maliban na lang kung makakapagpresenta sila ng negative na swab test na kinuha sa loob ng 72 oras, habang ang mga manggagawa na magbabalik-trabaho on site ay dapat sumalang sa swab test kada linggo, at kargo nila ang bayad sa swab test.

Maari rin umanong magpasa ng ordinansa ang mga local government units upang gawin mandatory ang pagpapabakuna. (Jonah Mallari)