Advertisers
UMABOT sa 100 pamilya ang nawalan ng tahanan nitong Martes nang sumiklab ang sunog sa residential area sa San Andres, Maynila, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).
Ayon sa BFP, gawa sa light materials ang mga bahay na nasunog bandang 5:00 ng hapon sa may kanto ng Radium at Onyx Street. Umabot sa ikalawang alarma ang sunog.
Matapos ang mahigit isang oras, dineklara ng BFP na kontrolado na ang sunog 6:19 ng gabi.
Mahigit 50 bahay ang natupok ng apoy habang mahigit 100 pamilya ang apektado at nawalan ng masisilungan 17 araw bago mag-Pasko.
Inaalam pa ng BFP ang pinagmulan ng sunog at kabuuang pinsala na natupok ng apoy. (Jocelyn Domenden)