Advertisers
ARESTADO ang isang family driver nang tangayin nito ang sasakyan at pera ng kaniyang amo na nagkakahalaga ng halos P1 milyon sa Cavite.
Kinilala ang driver na si Roy Pader, 41 anyos.
Pero natunton si Pader dahil sa mga post nito sa social media kungsaan ipinakita niya ang kaniyang pera.
Sa isa pang post, ipinakita ni Pader na umiinom siya sa isang nightclub at katabi niya ang ilang babae. Mayroon din siyang post kungsaan makikita siya sa loob ng isang motel room kasama ang iba’t ibang “escort” na kaniya lang daw tinulungan.