Advertisers
NASAWI ang isang miyembro ng Special Action Force (PNP-SAF) at isang most wanted sa shootout sa Lamitan, Basilan, Martes ng hapon (Dec. 7, 2021).
Ayon sa pulisya, maghahain sana sila ng warrant of arrest kay Jerry “Borhan” Harayin, “top 5 most wanted person”, nang paputukan sila ng nito.
Kasong pagpatay ang kinasasangkutan ni Harayin.
Sa ulat, pinagbabaril ni Harayin ang sasakyan ng SAF nang makitang papalapit ito sa kanyang safehouse. Gumanti ng putok ang mga operatiba at nasapul ang target.
Nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Harayin na kaagad nasawi.
Narekober sa crimescene ang isang M16 rifle ni Harayin.
Sa ospital naman binawian ng buhay ang SAF na si Cpl. Nizar Alijam, habang sugatan si Police SSgt. Sabas Banatao at isang 15-anyos na lalaki na natamaan ng ligaw na bala.
Si Harayin ay miyembro ng Bangsamoro Islamic Fighter, base sa ID na nakuha sa kanya.