Advertisers

Advertisers

3 MAG-UUTOL INATADO NG SAKSAK NG NAINGAYANG KAPITBAHAY

0 295

Advertisers

KRITIKAL ang magkakapatid nang pagtatagain ng kanilang kapitbahay na mentally-challenged nang maingayan ang huli sa mga biktimang kumakanta habang naglalaba sa Dalaguete, Cebu, Martes ng umaga.

Inoobserbahan ngayon sa ospital ang mga biktimang sina Jovelyn Enopia, 17 anyos, Grade 11; Victorina Enopia, 16, Grade 10; at Juan Enopia,14, Grade 9; pawang residente ng Purok 2, Barangay Tabon, Dalaguete.

Nadakip ang salarin na si Junjun Quijano, 27, kapitbahay ng pamilya Enopia.



Batay sa report ng Dalaguete Police Station, 9:30 ng umaga habang naglalaba ang magkapatid na Jovelyn at Victorina sa labas ng kanilang bahay naisipan nilang kumanta at napalakas ang kanilang boses.

Subali’t lingid sa kanilang kaalaman, naingayan si Quijano sa kanilang pagkanta kaya lumabas ito ng bahay bitbit ang itak at kutsilyo at sinugod ang dalawang dalagita at pinagtataga sa iba’t ibang parte ng katawan.

Nakita ni Juan ang kanyang mga ate na duguan kaya nilapitan nito ang salarin para awatin subali’t maging siya at pinagsasaksak rin ni Quijano.

Sa pagresponde ng mga pulis, nakuha nila kay Quijano ang isang itak at kutsilyo na ginamit sa pananaksak at pananaga.

Ayon sa magulang ni Quijano, may problema sa pag-iisip ito at sensitibo sa maingay ang kanyang anak kaya nagiging bayolente.



Inihahanda na ng mga awtoridad ang karampatang kaso na isasampa laban kay Quijano.