Advertisers

Advertisers

NTF-ELCAC 2022 BUDGET MAAARING IBALIK NG BICAM – ANGARA

0 452

Advertisers

ANG patuloy na panawagan ng mga lokal na opisyal at ang pagtalima ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na isumite sa Senado, ang mga kaukulang dokumento sa pagpapatupad ng Barangay Development Program (BDP) nito, ang makakapagpabago ng mga isipan ng mga mambabatas na ibalik na ang tamang halaga ng 2022 budget ng task force.

Mangyayari ito, ayon na rin kay Senate Finance Committee Chairman, Senator Sonny Angara sa 2022 Congressional Bicameral Conference Committee (Bicam) Hearing, kung saan ang mga senador at kongresista ay rerebisahin pa ang budget ng pamahalaan para sa susunod na taon.

Sa panayam kay Angara ng media sa senado, sinabi nitong ang “pagkakasubmit” ng ‘accomplishment report’ ng NTF-ELCAC hinggil sa BDP na siyang ‘flagship program’ ng task force, ang mismong nagkumbinsi sa kanya at sa iba pang mga senador na mahalaga pala ang programa lalo na para sa mga barangay na nasa malalayong lugar ng ating mga kanayunan.



Ayon kay Angara, kung mangyayari ito, itutulak nila na ang karagdagan budget na ibibigay sa Bicam ay mapunta sa imprastrakturang aspeto ng BDP.

“Basta ang gusto ng mga kasamahan namin, ang gusto ng iba kung dadagdagan natin, huwag natin ilagay sa maintenance expenses. Ilagay natin sa infrastructure, sa mga very visible na makikita ng ating mga kababayan sa kanayunan. Kasi yun naman yung point ng programa at yun ang magugustuhan ng mga kababayan natin. Kapag nakita nila na may kalsada na sila, mayroong patubig, mayroon silang magagandang proyekto mula sa gobyerno nila, ramdam nila yung pag-aruga ng pamahalaan,” pagdidiin ni Angara.

Paliwanang pa ng senador, ang malaking nabawas sa halaga ng budget ng NTF-ELCAC nang dumaan sa kanyang komite ay ang mabagal na pagsusumite ng report ng task force sa BDP nito. At kanila namang napagtanto ang kadahilanan nito ay bunga ng malawak na sakop ng mga proyektong ipinatutupad nito sa buong bansa.

“Kaya malaki yung cut namin. Since, they’ve given us reports and out of the 2,300 projects, meron ngang so many are nas pre-procurement stage, yung is ba binibid-out na, yung iba under construction na. So, at least nakita namin na meron naman palang napupuntahan yung pera ng ating bayan,” ang sabi ni Angara.

Iminungkahi pa niya na dapat ay lumikha ang NTF-ELCAC ng sistemang mag-momonitor at mag-rereport ng mga sitwasyon o kalagyan ng mga proyekto.



“So, dahil nationwide yung mga projects niyan at kalat kalat, it takes time to gather information, kailngan bawat munisipyo, bawat barangay, magrereport sa iyo. Medyo matrabaho nga iyon. That’s what the NTF-ELCAC should improve, moving forward para gumanda yung implementation,” paliwanag pa ni Angara.

Sa kabilang banda, sinabi naman ni Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na miyembro din ng 2022 Bicam, ihahayag daw niya ang kanyang kagustuhan na kahit man lang sa dating budget ng NTF-ELCAC na P19 bilyon ay maaprubahan ng komite. Magmula sa mungkahi ng task force na P28.1 bilyong budget, nagawaran lamang ng Finance Committee ito ng higit P10 bilyon, na kaya namang tuwirin pa ng Bicam ayon kay Senator Dela Rosa.

Naniniwala rin ang senador na maibabalik ang dating halaga ng budget na hinihingi ng NTF-ELCAC para sa 2022 dahil kasama sa Bicam ang hanay ng House Representative na kinabibilangan nila Rep. Martin Romualdez ng Leyte, at ACT-CIS Rep. Eric Yap na pawang gaya niya ay sumusuporta sa mga ginagawa ng task force at sa proyekto nitong BDP.

Maging si Pngulong Rodrigo Duterte ay naghayag ng pagkadismaya ng mabalitaang malaki ang tinapyas sa budget ng task force na kanyang nilikha para bigyang katapusan ang paghahari-harian ng Communist Party of the Philippines, New People’s Army, National D ocratic Front (CPP-NPA-NDF).

Iginiit naman ni National Security Adviser at NTF-ELCAC Vice Chairman Hermogenes Esperon na walang halong pulitika ang pagpapatupad nila ng BDP, at ito ay paraan pamang upang iwaksi sa mga kanayunan ang mga gawain ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF.

“Hindi naman pulitikahan ito. Tandaan natin, yung P28.1 bilyong pondo, ay hindi NTF-ELCAC yan. Iyan ay pondo ng Barangay Development Program at diretso iyan na napupunta sa mga barangay,” ang sabi ng kalihim.