Advertisers

Advertisers

EO sa regulasyon ng presyo ng mga gamot vs nakamamatay na sakit pirmado na ni Duterte

0 176

Advertisers

NILAGDAAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order (EO) No. 155 na magre-regulate sa presyo ng mga gamot sa bansa laban sa mga nakamamatay na sakit nitong Martes.

Ayon kay acting Presidential spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles, kabilang sa mga gamot na mapapasama sa price regulation ang 34 na drug molecules at 71 drug formulas.

Ang mga ito ang siyang ginagamit o panlunas sa bone metabolism, analgesics, anesthetics, anti-angina, antiarrhythmics, anti-asthma & chronic obstructive pulmonary disease medicines, antibiotics, anticoagulants, anticonvulsants, antidiabetic drugs, antidiuretics, and antiemetics gayundin ang anti-glaucoma, anti-hypercholesterolemia medicines, antihypertensive medicines, anti-neoplastic/anti-cancer medicines, antiparkinsons drugs, drugs for overactive bladders, growth hormone inhibitors, immunosuppressant drugs, iron chelating agents, and psoriasis, seborrhea at ichthyosis medicines.



Ang mga lalabag dito ay maaaring patawan ng kaparusahan o multa na mula P50,000 hanggang P5 million at posibleng maharap sa paglabag sa Republic Act No. 9502 o ang Universally Accessible Cheaper and Quality Medicines Act of 2008. (Josephine Patricio)