Advertisers
PERSONAL na dumulog sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) nitong Martes ang isang grupo ng mga Ilocano para maghain ng petisyon at ipakansela ang kandidatura ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Ang grupo ay may pangalang ‘Pudno Nga Ilokano’ o Ang Totoong Ilokano sa Tagalog.
Ang dahilan ng grupo sa paghahain ng petisyon ay kahalintulad ng mga unang petisyon laban kay Marcos, sa hindi paghahain ng presidential aspirant ng income tax return.
Si Marcos Jr. ay tubong Ilocos Norte at naging gobernador pa nito.
“Kami po ay naniniwala na hindi siya karapat-dapat na maging kandidato. Bakit po? Siya po ay hindi nagbayad ng kanyang buwis nang apat na beses at siya ay nahatulan na dapat magbayad s’ya. Hindi niya pa nababayaran ang kanyang buwis hanggang ngayon. Kaya kami ay nagpa-file ng disqualification case,” saad ng pinuno ng Pudno Nga Ilokano na si Crisanto Palabay. (Josephine Patricio)