Advertisers
PINAG-USAPAN na sa Committee on Civil Service ang panukalang batas na nagsusulong na bigyan ng 14th month pay ang mga empleyado ng pamahalaan at pribadong sektor.
Pahayag ni Kabayan Party-List Representative Ron Salo, na may akda ng panukala, hindi sapat ang ibinibigay na 13th month pay, dahil marami pa aniyang pamilya ang hirap sa pamumuhay ngayong patuloy ang pagtaas ng mga gastusin.
Layon ng panukala na gawing mandatory ang pagbibigay ng 14th month pay sa mga nasabing manggagawa anoman ang employment status ng mga ito.
Binigyang-diin din ng kongresista na makatutulong sa pag-ikot ng ekonomiya ng bansa ang dagdag kita para sa mga manggagawa na aniya’y katumbas ng consumer spending.