Advertisers
INIHAYAG ng Department of Education (DepEd) na tatapusin na ang pilot implementation ng limited face-to-face classes ngayong Disyembre.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, wala pang isang buwan makalipas na sinimulan nila ang pilot implementation ng in-person classes sa ilang bilang paaralan sa bansa.
Pahayag ni Briones, kaagad silang magsasagawa ng assessment para malaman kung palalawigin pa ang limited face-to-face classes o hindi na muna sa harap ng COVID-19 pandemic.
Gayunman, aminado si Briones na naging matagumpay ang naturang hakbangin.
Sa ngayon ay wala rin aniyang ulat silang natatanggap na mayroong mga estudyanteng nakikibahagi sa in-person classes sa 160 paaralan ang tinamaan ng COVID-19 infection.