Advertisers

Advertisers

2 anak ng principal brutal na pinatay ng magnanakaw

0 1,506

Advertisers

CENTRAL MINDANAO – Binawian ng buhay ang magkapatid sa nangyaring pagnanakaw sa tahanan ng school principal sa probinsya ng Cotabato.

Kinilala ang mga biktima na sina Crizzle Gwynn Maguad, 18 anyos; at Crizzule Luois Maguad 16, na mga residente ng Purok San Isidro Barangay Bagontapay M’lang Cotabato.

Ayon kay M’lang Chief of Police Lieutenant Colonel Realan Mamon, na pinasok ng tatlong magnanakaw ang tahanan ng pamilya Maguad.



Wala ang mag-asawa dahil may mahalagang pinuntahan kung saan ang ina sa General Santos City habang nasa trabaho ang ama.

Tanging ang dalawang anak nito at pinsan nila ang naiwan sa kanilang tahanan.

Kinuha ng mga salarin ang mga nakatagong pera, alahas at ibang mahahalagang bagay sa loob ng bahay.

Brutal pa na pinatay ng mga salarin at dalawang biktima bago ito tumakas.

Nakaligtas naman si Janice Sebial Emuelin ,17 anyos, pinsan ng mga biktima na nagtago sa kwarto at nakapag-post ng tulong sa Facebook kaya nagresponde ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) at pulisya ngunit nakatakas na ang mga salarin.



Samantala, magbibigay ng P200,000 na reward money ang Sangguniang bayan sa pamamagitan ni Vice Mayor Joselito Piñol sa makakapagturo sa mga salarin.

Hustisya ang sigaw ng pamilya at kaanak sa karumal-dumal na pagpatay sa magkapatid.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng M’lang PNP sa naturang pangyayari.