Advertisers

Advertisers

PNP may ‘person of interest’ na sa pagpatay kay Malabanan

0 236

Advertisers

MAY person of interest na ang Philippine National Police (PNP) sa pamamaslang sa journalist na si Jess Malabanan.

Ayon kay PNP Chief, General Dionardo Carlos, may lead na ang Special Investigation Task Group (SITG) sa krimen pero hindi muna nila ito ibubunyag para hindi makompromiso ang imbestigasyon.

Ayon sa pulisya, “land dispute” o away sa lupa nakikitang motibo sa krimen.



Binubuo ang SITG ng Regional Criminal Investigation and Detection Group, Forensic Group, Regional Intelligence Unit, at Calbayog City Police Station sa pangunguna ng Deputy Regional Director for Operations ng PRO-8.

Disyembre 8, habang nanonood ng TV sa kanyang tindahan ang biktima nang pagbabarilin ng ang mamamahayag. Tumakas ang salarin sakay ng motorsikolo na may isa pang kasama.

Si Malabanan ay correspondent ng Manila Standard sa Pampanga.