Advertisers

Advertisers

Pulis inumbag ng 7 lasing sa Tondo

0 462

Advertisers

ARESTADO ang pito katao nang magdulot ng gulo at muntik nang makabaril ng isang pulis sa Tondo, Manila, Linggo ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Vicente Ubias Palacpac, Ruben Diño, Bañez, Flaviano Aron Jr., Eduardo Ubias, Richard Melo, Agrifino Esteroza Jr., at Robert Badong.
Nakatanggap ng sumbong ang barangay tanod na si Ronald Cusay ng Brgy.101 kaya humingi ng tulong sa mga awtoridad .

Pagsapit sa kahabaan ng Mel Lopez Blvd. sakop ng nasabing barangay, inabutan ng mga operatiba ang mga suspek na nag-iinuman at nanggugulo.



Habang pinapakalma ni PCpl Marvin Aguilar ang grupo partikular si Palacpac, bigla nitong sinuntok ang naturang pulis dahilan para matumba at saka tinangka barilin ngunit hindi pumutok.

Nagkaroon ng pagkakataon si Aguilar na paputokan sa ibang bahagi ng katawan si Aguilar upang hindi na makapanlaban pa.

Dinala sa ospital ang suspek, habang ang kanyang mga kasamahan ay binitbit sa istasyon ng pulisya.

Mahaharap sa kasong Direct Assault, Attempted Murder, RA 10591, Breach of Peace at RO 5555 ang mga suspek.(Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">