Advertisers
SINABI ng Commission on Elections (COMELEC) na ‘unconstitutional’ o isang paglabag sa Saligang Batas ang pagpapaliban sa 2022 elections.
Ang pahayag ay ginawa ni Commission on Elections spokesperson James Jimenez nitong Lunes bilang reaksiyon sa petisyon na inihain ng Coalition for Life and Democracy na humihiling na ipagpaliban ang halalang nakatakda sa Mayo 9, 2022 hanggang sa taong 2025 dahil sa COVID-19 pandemic.
Ipinaliwanag ni Jimenez na maaaring magsuspinde ang Comelec ng halalan ngunit kung sa maikling panahon lamang at kung ang kondisyon para sa malaya at patas na halalan ay hindi umiiral.
“I think those particular criteria do not exist right now. So, I don’t see any justification for granting this sort of petition. Of course, that’s entirely on the commission en banc if it ever gets to them,” aniya pa.
Kasabay nito, sinabi rin ni Jimenez na ang petisyon ay “problematic.” (Andi Garcia)