Advertisers
NAKAPAGTALA pa ang Department of Health (DOH) ng 360 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa nitong Lunes, Disyembre 13.
Batay sa DOH case bulletin #639, umaabot na ngayon sa 2,836,803 ang total COVID-19 cases sa bansa.
Sa naturang kabuuang bilang, 0.4% na lamang o 11,083 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman.
Sa mga active cases naman, 4,292 ang mild cases, 3,662 ang moderate cases, 1,948 ang severe cases, 782 ang asymptomatic at 399 ang kritikal.
Mayroon din namang 519 mga pasyente pa ang gumaling na rin mula sa sakit, kaya’t sa kabuuan, nasa 2,775,379 na ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 97.8% ng total cases.
Nakapagtala pa rin naman ang DOH ng 61 pang pasyente na namatay sa sakit.
Sa kabuuan, nasa 50,341 na ang COVID-19 deaths sa bansa o 1.77% ng total cases. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)