Advertisers

Advertisers

488 bayan, lungsod binabantayan ng PNP bilang election hot spot

0 218

Advertisers

NASA 488 na mga bayan at lungsod ang binabantayan ng Philippine National Police (PNP) na posibleng maging election hot spot sa darating na May 2022 National and Local Election.

Sa nasabing datos, sinabi ni PNP Directorate for Intelligence Dir.BGen. John Dubia na patuloy ang kanilang isinasagawang beripikasyon at pakikipag-ugnayan sa Armed Forces of the Philippine kaungay ng kanilang patuloy na paghahanda sa ipapatupad na seguridad sa panahon ng election.

Sinabi ni Dubria na 39 na Municipalidad at 7 Lungsod ang isinailalim sa critical area na patuloy nilang tinutukan dahil sa naitalang mga karahasan na may kaugnayan sa pulitika.



Aniya, ang nasabing lugar na nasa ilalim ng red category dahil sa mga nagaganap na mga karahasan na may kaugnayan sa pulitika ay mula sa Region 2,3,5,6, BARMM.
Isinaad ni Dubria na may apat na kategorya sa pagtukoy ng hotspot ito ay ang green, yellow, orange at red sa darating na election. Ang red ang pinaka-mataas sa kategorya.

Kabilang din sa category sa pagdeklarang hotspot ang isang Bayan at Lunsod ay ang mga insidente ng karahasan, political rivalry at presenya ng mga armadong grupo tulad ng Private Armed Groups (PAGs) at Lawless element.

Binigyan-diin ni Dubria na mahalagang matukoy nila ang mga posibleng Municipal at Lungsod na maituturing na hot spot upang matutukan at mapaghandaan ang mga ipapatupad na mga seguridad. (Mark Obleada)