Advertisers

Advertisers

Barbie happy at proud na naka-1 year na ang relasyon kay Diego

0 310

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SA kabila ng kontrobersya na pinagdaanan ng celebrity couple na sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga ay happy pa rin sila.

Happy in a sense of, naka-first year anniversary na ang magdyowa.



Kahit nga may mga pagli-link sa bf ni Barbie na si AJ Raval ay mas lalo naman tumibay ang kanilang relasyon.

Sa isang taong relasyon ng magdyowa ay marami nga raw natutunan si Barbie.

Habang tumatagal nga raw sina Barbie at Diego ay tumatatag ang pag-iibigan nila.

Wish naman ng dalawa na sila na forever.

Natuwa naman si Barbie sa mga pahayag ni Diego sa kanilang one year anniv.



Mananatili raw na partner in crime, best friend at lover forever and ever ni Barbie ang kanyang bf.

Minsan na raw napikon si Barbie kay Diego dahil grabe anya ang pagiging palabiro nito.

***

DongYan, Bea-Lloydie project susubukan ng Kapuso

HINDI posible na magsama-sama sa iisang project sina Dingdong Dantes, Marian Rivera at Bea Alonzo at John Lloyd Cruz.

Inaasahan naman na papatok sakaling pagsamahin ang apat.

Kahit netizens ay may mga suhestyon na pagsamahin sa isang project ang apat kungdi man sa serye ay pelikula.

Puwede bakit hindi basta available lang ang kanilang time pare-pareho at walang conflict.

Suggest lang naman ito ng netizens na tutal naman daw ay nasa iisang kuwadra na sina Dingdong, Marian, Bea at Lloydie, di ba?

New version daw ng Apat na Sikat noon nina Arnold Gamboa, Winnie Santos, Maribel Aunor at Dondon Nakar.

Hmmmp!? Well, well, well…’Yun na!