Advertisers
PATAY ang isang police officer ng Esperanza PNP nang saksakin habang kumakain sa kusina ng police station sa Esperanza, Sultan Kudarat.
Kinilala ang biktima na si Staff Sgt. Victor Araño, taga-Barangay Poblacion; habang ang salarin ay kinilalang si Jessy Ferrer ng Barangay Saliao.
Hindi pa batid ng PNP ang motibo ng krimen.
Sa imbestigasyon, nabatid na kumakain si Araño sa kusina 7:00 ng gabi nang undayan siya ng saksak ni Ferrer.
Agad na tumakas si Ferrer at nang-hostage ng dalawa katao sa Nama residence ‘di kalayuan sa police station.
Nagkaroon ng negotiation at napasuko si Ferrer pero nang lalagyan na sana ito ng posas ay inagaw nito ang baril ng isang police kaya pinaputukan ito.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon.